Daan-libo nag-rally para sa bagong brexit referendum
DAAN-LIBONG katao na tutol sa pagkalas ng United Kingdom sa European Union (EU) ang nagprotesta sa Central London.
Nais ng mga protesta na magkaroon ng bagong referendum sa gitna ng banta sa puwesto in Prime Minister Theresa May.
Dala ng mga ralista ang mga placard na may nakasulat na nais nila ng People’s Vote, gayundin na mabuting walang Brexit.
Paglipas ng tatlong taon, hindi pa rin malinaw kung matutuloy ang Brexit.
Gayunman, hati ang bansa at mga opisyal dahil sa Brexit kung saan marami ang pabor na ito ang pinakamahalagang desisyon ng UK.
Matatandaang, 17.4 million o 52 porsiyento ang bumoto na pabor sa pagkalas ng Great Britain sa E.U. habang 16.1 million o 48 porsiyento ang nais manatili sa E.U.





Comments