top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ayon sa mga eksperto... PAMAMAPAK NG ASIN, MAY HEALTH BENEFITS!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2019
2 min read

GUILTY ka ba sa pamama­­pak ng asin, besh? Oks lang ‘yan dahil knows ba ninyo na kahit masama ito sa bato ay mayroon pa rin itong magandang maidu­dulot sa ating kalusugan dahil sa taglay na nutrients nito? Talaga ba?

Ayon sa mga eksperto, may kakayahan ang asin na pagandahin ang nerve impulse­ment kung saan mas magiging mentally sharp ang indibidwal.

Gayunman, kaya rin nitong i-transport ang mga nutrient sa ating katawan tulad ng amino acid, protein, glucose at marami pang iba.

Samantala, napatunayan ang pag-aaral na ito dahil sa mga kabayo kung saan sa ka­sa­lukuyan, sila ang gumagawa ng ganitong pa­raan nang sa gayun ay malabanan nila ang anumang klase ng sakit at kahinaan na nara­ranasan nila, araw-araw, lalo na ‘yung mga kabayo na nakikipagkarera o kaya ay nag­sasakay para kumita ng pera ang mga amo nila.

Kung para sa kabayo ay normal ang pag­dila o pagkain ng asin, sa ating mga tao, tiyak na marami ang magsasabi sa inyo na prone lang ito sa sakit sa bato.

Kung gayun, kaya nga may salitang “kon­trol” ay dahil limitado lamang ang dapat ma-intake na sodium.

Kaya kung ikaw ‘yung tipo ng tao na ma­hilig sa mga sitsirya, naku, make sure na kahit papaano ay bawas-bawasan na ninyo ito.

Dagdag pa rito, maraming kayang gawin ang asin sa ating buhay tulad ng puwede itong maging pain reliever, gamot sa diarrhea, pa­malit sa toothpaste at marami pang iba.

Kaya ang paalala ng mga eksperto, make sure na magiging maingat tayo sa ating mga kinakain.

Kaya, mga besh, basta kontrolado natin ang pamamapak, for sure, wala tayong ma­giging problema sa alat.

Be healthy always!

Ang sobrang pagkain ng asin ay maaaring maging “sin”. Hi-hi-hi!

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page