Alamin mula kay Maestro... KAPALARAN NG MGA KABAYO TUNGKOL SA PAKIKIPAGKAIBIGAN
- BULGAR

- Mar 25, 2019
- 2 min read


SINASABING sa 12 animal signs, ang Kabayo ang pinaka-busy sa lahat. Oo masyadong hectic ang kanilang schedule, palagi silang nagmamadali at aligagang-aligaga sa bawat araw ng kanilang pinasisimulan.
Bukod sa aligaga at palaging nagmamadali, ang Kabayo ay sinasabing may kakayahan din sa “multitasking” kung saan napagsasabay-sabay nila ang maraming mga gawain sa iisang oras o pagkakataon.
Puwedeng may kausap na sila sa cellphone ay nagtitipa pa sa keyboard ng computer ang kanang kamay, naghahalo ng kape ang kaliwang kamay habang nagbabasa ng diyaryo at nangunguyanguyakoy pa.
Ganu’n kahusay ang mga Kabayo, kaya kadalasan hindi nila namamalayan ay nawawalan sila ng konsentrasyon sa iisang gawain lamang.
Dahil maangas at palaging maraming ginagawa, sinasabi ring kailangang-kailangan ng Kabayo ang pamamasyal, paggala o ang pag-gimmick.
Nangyari ito sapagkat ang pamamasyal ay nakatutulong sa Kabayo upang hindi lamang marelaks ang kanilang katawan kundi para makapagpahinga rin ang kanilang kaluluwa at isipan.
Kapag nakapag-recharge na ang Kabayo kung saan ay nakapamasyal na siya malapit sa nature, sinasabing muling bumabalik ang kanyang lakas, suwerte at magagandang kapalaran.
Kabaligtaran naman nito kapag ang Kabayo ay naadik sa katatrabaho, nakalimutang mamahinga at maglibang, sa halip ay puro paghahanapbuhay na ang inatupag at pinagkaabalahan, ang ganitong style ng pamumuhay ang tiyak na maghahatid sa Kabayo sa pagkakaroon ng sakit at kalungkutan.
Kaya nga, tulad ng nasabi na, kung ikaw ay tipikal na Kabayo, mahalagang-malaga sa iyo na mayroon kang regular na pamamasyal kahit na dalawang beses sa loob ng isang taon o kaya naman ay isang beses kada buwan.
Bagama’t, hindi mahusay na tagapayo dahil palaging dinaragdagan at kinukulayan ang mga pangyayari at sitwasyon, marami ring palabok at tsetseburetse kung magsalita, sinasabing masarap namang kasama ang mga Kabayo dahil kapag kasama mo sila ay mai-entertain o malilibang ka talaga sa kanila, hindi lamang tungkol sa kanilang mga sinasabi kundi pati na rin sa ikinikilos at ginagawa ng Kabayo kung saan tulad ng nasabi na, masaya silang kasama kaya kahit na maikling panahon lang, kapag kasama mo ang Kabayo, parang makalilimutan mo talaga pansamantala ang lahat ng mga suliranin at mga problema sa mundo.
Kaya naman sa 12 animal signs na humarap sa palasyo ni Lord Buddha, matatagpuang ang Kabayo ang isa sa may pinakamaraming kaibigan dahil bukod sa sila ay masaya at masarap kasama, sila rin ay mapagbigay at matulungin sa kanilang mga kaibigan.
Dahil dito, sobrang palakaibigan at bihirang-bihira sa mga Kabayo ang napipirmi sa bahay dahil tulad ng nasabi na, bukod sa pamamasyal, gustung-gusto rin ng Kabayo na nasa galaan kasama ang mga tropa nilang easy-go-lucky.
(Itutuloy)




Comments