Para walang ebidensiya sa pagkuha ng sex video scandal… JUNG JOON YOUNG, BINURA NA RAW ANG MGA LAMA
- Lee Vin Nia
- Mar 24, 2019
- 1 min read

HINIHINALA ng pulisya na binura ni Jung Joon Young ang mga data sa isang cellphone nito na isinumite for investigation.
Ayon sa report, sa tatlong cellphones na isinumite ng singer, isa rito ay na-reset na sa factory settings which means nabura na ang mga dating nilalaman nito.
Hindi na raw na-recover ng pulisya ang lahat ng data na nabura pero nakatakdang sumailalim sa imbestigasyon ang singer kung bakit na-reset ang telepono.
Pero ang isang cellphone naman na tinaguriang “golden phone” ay wala naman daw nabago, gayundin ang isa pa na siyang ginagamit daw ng singer.
Importante ang nilalaman ng mga cellphones na ito sa imbestigasyon dahil na rin sa kaso niyang illegal filming and sharing of sex videos.





Comments