top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

NAGIBA ANG NLEX BINANGGA ANG GINS

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 24, 2019
2 min read

TUMITIBAY ang kapit ng Barangay Ginebra sa No. 4 spot ng team standings matapos kalusin ang NLEX Road Warriors, 105-96 kagabi sa PBA Philippine Cup sa AUF Sports Arena & Cultural Center, Angeles City.

Kumayod si Japeth Aguilar ng 27 points at siyam na rebounds upang tunggain ang three-game winning streak at itarak ang 6-3 card para sa crowd favorite Gin Kings.

Nalasap naman ng Road Warriors ang pang-anim na talo sa 10 laro. Humarurot ang Road Warriors sa simula ng laban, hinawakan nila ang 11-point lead, 30-19 sa first quarter.

Pero pumalag ang Gin Kings, tinungga nila ang 27-21 bentahe upang tapyasin ang kanilang hinahabol sa lima, 46-51 sa halftime. Lalong ginanahan ang Barangay Ginebra sa third canto, tumarak ng 28-21 para agawin ang bandera, 74-72 papasok ng fourth quarter.

Samantala, puntirya ng TNT KaTropa na pahabain ang kanilang winning streak sa anim pagharap nila sa NorthPort ngayong alas-4:30 ng hapon sa Araneta Coliseum.

Tangan ang 7-3 karta, nakatambay sa pangatlong puwesto ng team standings ang KaTropa at may tsansa pa itong umakyat sa No. 2 kapag nanalo sila sa Batang Pier.

Nakatambay sa second spot ang Rain or Shine Elasto Painters tangan ang 8-3 card habang solo sa tuktok ang Phoenix Fuel Masters na kapit ang 9-2 karta.

Kinalos ng TNT ang Columbian Dyip, 101-98 noong Biyernes, nagtala si Jayson Castro ng 20 points at pitong assists para sa KaTropa.

Kaya inaasahang si Castro muli ang kakapitan ng TNT para makuha ang pang-walong panalo.

Makakatuwang ni Castro sina Ryan Reyes, Troy Rosario at Roger Pogoy na maganda ang inilaro sa kanilang huling laban. Para sa NorthPort na may 2-6 record, kailangan nilang manalo upang manatili sa asam nilang makapasok sa quarterfinals. (ATD)

Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)

4:30 p.m. - NorthPort vs TNT

6:45 p.m. - San Miguel Beer vs Alaska

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page