top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

LAKAS NG DEPENSA NI PITCHER BASA, ADAMSON PA-FINALS NA SA SOFTBALL

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 24, 2019
1 min read

SINANDIGAN ng de­fending 8-peat UAAP soft­ball champions Adam­son University ang kanilang pangunahing pitcher na si Lyca Basa at sa kanilang depensa upang magapi ang National University, 2-1, para maitakda ang kanilang ika-9 na sunod na Finals ap­pearance kahapon ng umaga sa UAAP Season 81 Softball Tournament sa Rizal Me­mo­rial Baseball Stadium.

Hawak ang 2-1 na kala­mangan pagpasok ng final inning, tatlong outs na la­mang ang kailangan ng Lady Falcons upang ganap na makausad ng Finals.

Kaugnay nito ay pinag­sabihan sila ni head coach Ana Santiago na manatiling focus sa laro para makamit ang panalo. “Sabi ko sa ka­nila, lamang pa tayo, huwag kayong mag-panic. Kumu­ha tayo ng isang out, maku­kuha natin to.”

Unang nakapagtala ng dalawang runs ang Lady Falcons bago ito natapyas sa isa ng Lady Bulldogs sa fourth inning. Doon na nag­paalala sa Lady Falcons si Santiago na sinunod nila upang maitakda ang pag­pasok muli sa kampeonato.

Solong bumato sa kabu­uan ng laro si Basa kung saan nagbigay lamang ito ng limang hits at isang run sa NU. Maghihintay na la­mang ang Adamson kung sino ang magwawagi sa semifinals series ng De La Salle Uni­versity at University of Santo Tomas na magsisimula sa Biyernes-Marso 29. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page