10 ANG HAHATAW SA PHILRACOM SLLP

HAHATAW ngayon ang 10 kabayo sa 2019 PHILRACOM 3 Year Old Local Fillies & Colts Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Sa ganap na 5:20 p.m. Bibitiwan ang mga kalahok na kinabibilangan ng Gil’s Magic, Lakan Takhan, My Jopay, Westeros, Real Gold, Toy For The Bigboy, Turns Gold, Royal Bell, Two Timer at Sarafina.
Ang mga kalahok ay tatawid sa 1,500 meter na may pabuyang P6 Milyon sa unang premyo, habang tatanggap ng P225,000 ang pangalawa, mapupunta sa 3rd place ang P125,000 at pakukuha ang P50,000 sa 4th placer.
Sa mga maghaharap na kabayo pinapaboran ang Lakan Takhan at Real Gold habang ang Serafina, My Jopay, Royal Bell at Two Timer ay asahang makakasama ng Pentafecta at Super Six.
Kasabay nito idaraos ang 12th Manila Horsepower Organization, Inc. Racing Festival at pambuwenamanong handog sa Race 1 ang Philracom RBHS na paglalabanan ng Class 5 na DanJugan Island, Princess Mamba, Apollo of Aquila kasabay ng 1St Winner-Take-All (WTA).
Paglalabanan ng 13 mananakbo ang Race 2 sa pagtikada ng “Hapi Group Trophy Race” pinapaboran ang mga kalahok na Purpose Driven, Silver King at Don Anton, habang pinapaboran ang Yes All Wee Bet, Lollipop at couple entry na Rockstar Show at Gentleman Jim sa Race 3 na umpisa ng 1st Pick 6 event.
Sa Race 4 kung saan gaganapin ang Antonino Calixto Trophy Race at paglalaban ng mga kalahok na Alma Del Mallorca, Baisakhi at Tejeros, habang sa Race 5 na umpisa ng 1st Pick 5 maglalaban ang anim na kalahok at napipisil ang Pangalusian Island, Metamorphosis at Song of Song.
Gaganapin sa Race 7 ang Nancy Binay Cup at pinapaboran ang couple entry na Garantisado at Certain To Win, Viva Morena at Couple entry na Marinx at Gomper Girl at Team Be Nice Sota Cup at pinapaboran ang Eli Brassous habang ang Universe at Easy To Win.
Ipinapatok ang Corazon sa pagtikada ng Race 9, habang sa Race 10 pinapaboran ang Manila Boy at Race 11 ay panolo ang couple entry na Lady Zip at Dragon Lady at patok ang Valkyrie sa Race 12.
Tip ni Mang Ding Race 1-Danjugan Island (13) Princess Mamba (8) Apollo of Aquila Race 2- Purpose Driven (1) Silver King (5) Don Anton (12) Race 3- Gentleman Jim/ Rockstar (3) Yes All Wee Bet (11) Race 4-Palma del Mallorca (4) Baisakhi (11) Race 5- Metamorphosis (3) Pangalusian Island (6) Song of Song (5) Race 6-Lakan Takhan (6) Real Gold (5) Race 7- Viva Morena (2) Entry No.6 Race 8- Eli Brassous (7) Entry No.6 Race 9- Corazon (9) Double Sunrise(8) Race 10-Manila Boy (9) San Rafael (5) Race 11- Entry No.11 Kalambogis (4) Race 12- Valkyrie (3) Entry No.5





Comments