Utol, 1 week lang sa serye, tsugi agad… ANNE SA SIYETE: BIGYAN N'YO NG MAGAGANDANG ROLES SI JASM
- BULGAR

- Mar 23, 2019
- 1 min read

HALATANG proud sister si Anne Curtis kay Jasmine Curtis dahil sa mahusay nitong pagganap bilang Manisan sa GMA epic seryeng Sahaya na nagsimula last Monday.
Nag-tweet si Anne sa kanyang Twitter account praising her younger sister sa highlight video ng Sahaya na napanood niya at tinawag ang pansin ng GMA Network na sana raw ay laging ganito ang ibigay na role kay Jasmine.
“Watched this highlight video of my Sestram for her performance in Sahaya. Hi GMA more roles like this for my amazing actress of a Sestra. Love you! Napakahusay mo talaga!!!!” ang tweet ni Anne.
Nag-reply naman si Jasmine at nag-I love you rin sa kanyang ate.
Hindi lang si Anne ang nagalingan kay Jasmine kundi ang halos lahat ng nakapanood sa kanya. Simula nang mag-pilot last Monday ang serye ay wala nang tigil ang pagbuhos ng mga papuri sa kanyang acting.
Ang dami ngang nalulungkot dahil one week lang ang role ni Jasmine sa serye since gumaganap nga lang siyang young Manisan.
Pero kahit maikli lang ang role ng aktres, sobrang markado naman ito at talagang tumatak sa manonood.





Comments