Para raw hindi kayo mahiyang magsuot ng swimsuit, mga teh! MGA PAGKAING KERING MAKALIIT NG TIYAN
No Problem

KASABAY ng pagwo-workout, dapat ay balansehin din natin ang ating mga kinakain, araw-araw, lalo na kung gusto talaga nating paliitin ang ating tiyan. Kaya para hindi magmukhang buntis sa suot ninyong one piece o two-piece. Narito ang mga pagkaing dapat kainin para magkaroon ng flat tummy:
1. ALMONDS. Mayaman ang almonds sa protein, fiber, magnesium, Vitamin E at healthy monounsaturated fats. Ang protein at fiber ay nakatutulong upang mawala ang ating cravings, kaya sa ganitong paraan maiiwasan ninyo ang cheat day! Hi-hi-hi!
2. ASPARAGUS. Ito ay napabibilang sa mga gulay na anti-inflammatory o ‘yung punumpuno ng Vitamins A at C na nakatutulong upang ma-accelerate ang fat burning. Dagdag pa rito, ang asparagus ay natural diuretic na nakapagdaragdag ng tubig sa katawan.
3. YOGURT. Bukod sa nagtataglay ito ng probiotics na nakare-reduce ng bad bactera sa ating intestines, mini-minimize rin nito ang pagkakaroon natin ng bloated na tiyan. Gayundin, dahil sa calcium na taglay nito, pinipigilan nito na maimbak ang taba na pumapasok sa cells, kaya sa pagkain ng yogurt ay mas bibilis ang metabolism ninyo.
4. TOMATOES. Mayaman ito sa potassium, water at natural diuretic kung saan kaya nitong tanggalin ang excess sodium, water at bloat sa katawan. Gayunman, ang tomatoes ay mayroong fiber na nakare-regulate ng digestion.
5. BEANS. Dahil sa protein at fiber, keri nitong i-build ang ating muscle, i-burn ang fat at i-regulate ang digestion. Oh, ‘di ba, bongga?
6. BERRIES. Mayaman ito sa fiber at antioxidants, ang kailangan lamang gawin ay kumain ng 8 gramo ng berries kada araw kung saan nakai-improve rin ito ng daloy ng dugo.
7. EGGS. Kilala ang itlog na mayaman sa protein, pero bukod dito, mayroon din itong Vitamin B12, lutein at amino acid na nakapagtatanggal ng fat cells. Mainam kung ibo-boil ang itlog kung kakainin kaysa iprito. Okie?
8. AVOCADO. Mayroon itong monounsaturated fatty acid na nakabe-burn ng fat. Pero, ang payo ng mga eksperto kumain lamang ¼ cup ng avocado. Gets mo?
9. MUSHROOM. Ang kakulangan sa Vitamin D ay nali-link sa pagkakaroon ng higher level of belly fat, kaya naman para makakuha ng sapat, mainam kung kakain tayo ng mushroom.
10. APPLE. ‘Ika nga, “an apple a day keeps the doctor away”, totoo ito, pero may dagdag pa rito dahil nakatutulong ito upang ma-achieve natin ang six pack abs! Wow!
Kaya, mga beshy, ngayong summer at usung-uso ang pagpapa-sexy, habol na at magpursige!
Okidoki?





Comments