Pamangkin, wala raw utang na loob… GRETCHEN, TODO-SUMBAT SA PAGPAPAARAL NILA NI CLAUDINE SA ANAK NI
- BULGAR
- Mar 23, 2019
- 1 min read

NANG magkaayos at magkabati na sina Gretchen Barretto at Claudine, marami ang nagsasabing tapos na ang hidwaan sa pamilya Barretto at matatahimik na ang lahat.
Pero, dahil sa post ni Dani Barretto sa kanyang social media account ay muling nabulabog ang lumang isyu.
Si Dani ay anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi, ngunit hindi kasal ang parents niya.
Puring-puri ni Dani ang kanyang ina na diumano’y solong nagtaguyod at nagpalaki sa kanya. Wala siyang binanggit na pasasalamat sa kanyang mga titas na sina Gretchen at Claudine Barretto, at ito ang isinumbat-ipinaaalala ni La Greta sa pamangkin.
Sila raw ni Claudine ang magkatulong na sumuporta sa anak ni Marjorie pati sa pag-aaral nito. Pero, hindi man lang sila naalala ni Dani na i-acknowledge at pasalamatan.
Kommentare