Guro timbog sa shabu
Pabs Hernandez III
Mar 23, 2019
1 min read
ZAMBOANGA DEL SUR—Isang guro ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Paglaum, Dumalinao sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Ryan Cabilao, guro ng Minundas Elementary School sa Payao, Zamboanga Sibugay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments