Ayaw pagkaguluhan… MAINE AT ARJO, NAKA-FACE MASK NA NAGPUNTA SA STAR CITY
- BULGAR

- Mar 23, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

NAG-LEAK ang litrato nina Arjo Atayde at Maine Mendoza na naka-face mask habang nasa Star City. Pero, kahit nakatakip ang mga mukha, nakilala pa rin sila at may kumuha ng kanilang litrato.
Siguradong may rason kung bakit nagsuot ng mask sina Arjo at Maine habang nasa Star City, hindi lang dahil ayaw nilang pagkaguluhan sila ng mga tao. In fairness, nag-work ang face mask nila dahil hindi sila pinagkaguluhan.
Samantala, ipinost ni Arjo sa IG story ang picture niya kasama ang ArMaine fans nila ni Maine at may caption na: “This is too sweet for me not to post! Even if I know I’ll be bashed again HAHAHAHHA! Thank you ARMAINE, thank you for the sweet surprise! Super appreciate you guys. Salamat.”
May nag-post na rin ng picture nina Maine at Arjo nang magkita sila sa New York. Patotoo ito na nagkita sila at hindi fake news ang tsikang pinuntahan ni Arjo si Maine sa New York mula sa Virginia.





Comments