Minamaltrato raw siya, SSS at PhilHealth, 'di rin binabayaran… SUNSHINE, INIREKLAMO NG MAID KAY
- Beth Gelena
- Mar 22, 2019
- 2 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

NAGSUMBONG ang yaya ng mga anak ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon na si Anabel Agullo kay Raffy Tulfo nu’ng March 18.
Ayon sa yaya, nag-day-off siya nu’ng March 2 (Sabado). Linggo nang gabi (March 3) ay inaasahan na siyang makakabalik, pero hindi agad nakabalik si Anabel dahil tinrangkaso raw siya at hindi nakapasok.
Tinatawagan umano siya ng mister ni Sunshine na si Timothy Tan nu’ng Monday nang umaga para asikasuhin ang kanilang mga anak, pero hindi niya nasagot ang cellphone.
Ang reklamo ng yaya, pinagbintangan umano siya ni Tan na itinakas niya ang iPhone 5 na ipinahiram sa kanya.
Ipinahiram daw sa kanya ang cellphone para makontak agad sa sandaling kakailanganin siya (Anabel).
Paliwanag ni Anabel, hindi raw agad niya natsek na may tawag at messages na sa kanya ang amo dahil nasa bag niya ang cellphone nu’ng Lunes na ‘yun kung saan siya ay tinatrangkaso.
Hindi sinang-ayunan ni Tulfo ang paliwanag ni Anabel. Natural daw na magalit ang kanyang amo dahil kaya nga ipinahiram ang cellphone sa kanya ay para mas mabilis ang kanilang communication in case of emergency.
Para fair ay tinawagan ni Tulfo ang mister ni Sunshine. Sinabi ni Tan na ilang beses niyang tinatawagan ang yaya, pero hindi niya ito makontak.
Humaba ang diskusyunan ng mag-amo kung saan humantong pa sila sa barangay dahil hino-hold daw ni Tan ang mga gamit ng yaya na naiwan sa kanilang bahay. Ayon pa sa yaya, minamaltrato rin siya ng kanyang mga amo. Maging ang benepisyo raw niyang SSS at Philhealth ay hindi binabayaran ng amo.
Ayon naman sa Kapuso actress, “There is always two sides in the story but I rather not explain anymore because hahaba lang ang istorya at mahihirapan na rin siyang makakuha ng trabaho ‘pag nagsalita ako at lahat ng kasama niya rito. Besides, people will believe whatever they want to believe.”





Comments