Mga pulis na hindi kuntento sa dobladong suweldo, mag-resign!


KAUGNAY ng sunud-sunod na kaso ng panggagahasa at pagpatay, may utos si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga hepe ng kapulisan.
“I want kayong mga chief of police you ask your wives and your daughter to walk around your area of responsibility. And if your wife or daughter comes home safe, undisturbed, unmolested, at walang nangyari, ‘yan ang gusto ko para sa lahat ng babae sa area mo,” saka pa lang umano makukuntento ang pangulo sa inilatag na seguridad sa kani-kanilang area of responsibility.
Gayunman, kung mabiktima ang kanilang anak o asawa, isa lang ang utos ni Pangulong Duterte, patayin ang suspek at siya na ang bahala sa kaso.
Kasabay nito, inatasan din ang mga pulis na mag-overtime para sa mas matinding aksiyon laban sa mga kriminal.
Dagdag-oras para mas mabantayan ang taumbayan mula sa mga pusher, adik, magnanakaw, kidnaper, rapist at killer. Hindi para matulog, mag-cellphone o tumambay. Higit sa lahat, hindi para makisawsaw sa politika!
Ang ating responsibilidad ay ang pagpapanatili ng kapayapaan at ang ating katapatan ay dapat na ibigay sa bayan at hindi sa iilan, hindi sa mga pulitiko.
Kung hindi kuntento sa dobladong sahod, mag-resign. Huwag nang gamitin ang uniporme para maka-sideline.





Comments