top of page

Kaya kung gusto mo ng mag-settle, alamin mo ‘to, besh! TIPS PARA SA MAS MATURED NA RELASYON

  • Donna Thea Topacio
  • Mar 22, 2019
  • 1 min read

No Problem

SHOUTOUT sa mga bet nang mag-settle riyan! Kung feeling ninyo ay nasa tamang edad na kayo para mag-asawa, narito ang ilang tips para magkaroon kayo ng mas matured na relationship:

1. BE UNDERSTANDING. Dapat mong lawakan ang iyong pang-unawa, besh! ‘Yung maliliit na bagay na madalas mong gawing issue noon, eh, kalimutan mo na dahil kung gusto mo na talagang mag-settle ka­ilangan mong pagkati­wa­laan ang partner mo sa lahat ng aspetong kanyang gagawin.

2. BE PATIENT. True, mga lodi! Kung mahaba na ang inyong pasensiya, kailangan n'yo pa itong habaan dahil kapag nagmahal ka kasabay nu’n ang paghihintay at pagtitiis. ‘Ika nga, “when you committ, you’ll need to sacrifice.”

3. COMMUNICATE. Ito ang pinaka­mahalaga sa lahat, mga besh! Kung may problema o hindi kayo napagkasunduan ng partner mo, kailangan mo siyang kausapin tungkol dito nang sa gayun ay hindi kayo nagpapakiramdaman o nanghuhula. Sa ganitong paraan, mas maiiwasan ninyong palakihin ang inyong away.

4. BE MATURED. Oh, for sure, maraming guilty sa inyo riyan! Ha-ha-ha! Oks lang naman magpabebe paminsan-minsan, pero kung hindi na cute o paglalambing ang inyong naipararam­dam. Be matured enough, mga besh! Okie?

5. AVOID NEGATIVITY. Kung ayaw ninyong makaramdam ng lungkot, sakit at marami pang iba na hindi talaga masarap sa feeling dahil nakasisi­kip ito ng dibdib, tigilan na ninyo ang pag-iisip ng mga negatibong bagay.

Minsan, akala natin, matured na tayo pagda­ting sa pakikipagrelas­yon, pero sa totoo lang, mga besh, marami pa tayong dapat matutunan kaya dapat ay marunong tayong magbago para maging better.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page