JADE MASTER VS MARINO NG TANGLAW SA PICK 6, PICK 5
- Green Lantern
- Mar 22, 2019
- 1 min read

KAPANAPANABIK ang matutunghayan ng Bayang Karerista sa karerang bibitiwan sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong gabi.
Sa simula ng Pick 6 sa Race 1, tatlong mananakbo ang nakikita kong maglalaban sa pag-alagwa ng Group Race (10). Upang makasiguro ng puntos sa Pick 6. Isama na ninyong tatayaan ang Play It Safe, Oh Neng, Princess Tin, Winning Move, Couple Entry No.2 at Beautiful Lady na paratingan sa pentafecta at Super Six.
Sa Race 2, panimula ng Pick 5 hahataw ang Group Race (7-8) at nakalalamang ang Cleave Ridge laban sa Boom Tarat Tarat habang ang Stay Ready at Mount Pulag ang isama sa Trifecta at Quartet. Pinapaboran ang Jade Master laban sa mga kalahok na Boy Paradise ang magka-couple entry na Tubig at Langis at True Religion, Marino ng Tanglaw at Alkarama sa Race 3 na umpisa ng Pick 5 event.
Binibigyan ng kalamangan ang Wild Talk laban sa Stalag Seventeen habang ang Show The Whip ay mainam na pamalit sa posibleng tumalo sa Group Race (11) sa Race 4. Sa Race 5 ipinapatok ang Union Run habang ang couple entry na Kusing at North Wind ang magbabanta sa mga kalaban. Magsisilbing parating sa Race 6 ang mga kalahok na Avenue Shopper at Mighty Bon.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Play It Safe (3) Lady Pio (5) Race 2-Cleave Ridge (6) Boom Tarat Tarat (2) Race 3- Jade Master (6) Marino ng Tanglaw (3) Boy Paradise (8) Race 4- Wild Talk (1) Stalag Seventeen (6) Race 5- Union Run (4) Entry No.4 Race 6 -Mighty Bon (6) Avenue Shopper.





Comments