top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Galing outing | 51 ESTUDYANTE, 3 TITSER HINOSTAGE, BUS SINUNOG NG DRIVER

Jersey Sanchez
Mar 22, 2019
1 min read

HIMALANG nakaligtas ang 50 estudyante matapos i-hijack at sunugin ng driver ang sinasakyan nilang school service sa Italy.

Ayon kay Milan Prosecutor Francesco Greco, sakay ng bus ang 51 estudyante na nasa secondary school at pauwi mula sa sports outing kasama ang tatlong guro.

Bigla umanong nagbago ng ruta ang driver saka nagdeklara ng hostage kung saan armado ito ng dalawang canisters na mayroong petrol at may dala ring lighter.

Gayundin, iginapos ng suspek ang mga estudyante saka pinagkukuha ang mga cellphone, ngunit, nagawang makatawag ng isang mag-aaral sa kanyang mga magulang dahilan para makahingi ng saklolo sa mga awtoridad.

Naharang ng pulisya ang naturang bus at binasag ang mga bintana para mailabas ang mga estudyante.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa motibo ng suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page