top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

ABANGERS SA BAKBAKAN NG VETERAN AT ROOKIE, HOTSHOTS AT CAR MAKERS

Clyde Mariano/ATD
Mar 22, 2019
2 min read

MAGNOLIA at Columbian Dyip, ang dalawa sa limang koponan na nag-aagawan sa apat na natitirang quarterfinal seats, na maglalaro ngayon kontra sa magkahiwalay na kalaban sa PBA Philippine Cup sa muling pagbabalik sa Ynares Center sa Antipolo City.

Lalabanan ng reigning Governor’s Cup champion Hotshots ang eliminated nang Blackwater Elite ng 7 p.m. matapos ang 4:30 p.m. na engkwentro ng Dyip at Talk ‘N Text KaTropa sa pang-10 beses na paglalaro sa Ynares Center at pang-12 sa 14 provincial games na magwawakas sa Sabado, Marso 23 sa Angeles University Foundation gym sa Angeles City, Pampanga.

Tiyak na magpapakamatay ang Hotshots at Dyip na manalo para lumakas ang kanilang tsansa sa next round kung saan kaagaw nila ang Barangay Ginebra, Alaska, at NLEX. Hawak ng Hotshots ang record 4-5, Columbian 4-6, at NLEX 3-5 pero higit na kailangan ng Hotshots at Car Makers ang panalo kasabay nang panalangin na matalo ang Road Warriors sa dalawang laro kontra Barangay Ginebra at Hotshots para pumasok sa susunod na round.Kung kailangan ng Columbian Dyip ang panalo ganoon din ang TNT at puntirya ng KaTropa na makapasok sa top 2 matapos pisakin ang Aces, 92-78, nagdala sa kanila sa 3rd overall sa kartadang 6-3 sa likod ng Phoenix (9-2) at Rain or Shine (7-3) at isang panalo lang sa defending champion San Miguel Beer (6-4).

Matatapos ang tatlong buwan na elimination sa Abril 3 tampok ang dalawang laro ng NLEX vs. Magnolia ng 4:30 p.m. at North Port Batang Pier kontra Barangay Ginebra. Pangungunahan ni one-on-one specialist at top rookie CJ Perez ang opensiba ng Columbian Dyip katuwang sina Rashawn McCarthy, Jeremy King, Reden Celda at babantayan nina bigmen Jay-R Reyes, Eric Camson, at Philip Andreas Cahilig ang shaded lane para hindi maka-penetrate ang TNT.

Magiging exciting ang laro ng Dyip at TNT at dito malalaman kina CJ Perez at Jayson Castro kung sino sa kanila ang “king of one-on-one” na inaabangan ng PBA fans sa una nilang pagha­harap sa court sa labanan ng rookie vs. veteran. Tinalo ng Columbian Dyip ang outstanding favorites defending champion San Miguel Beer at Rain or Shine na tinatawag na “giant slayer” sa pagkakuha kay Perez bilang ”heart and soul” at inasahang pamumunuan ng dating Lyceum Pirates ace gunner ang opensiba ng Car Makers at isama ang TNT sa kanilang kingsize win para mapalakas ang kampanya sa quarterfinals. Si Perez ay wala pang foreign exposure hindi tulad ni Castro na beterano sa maraming international competitions kasama ang SEA Games, Asian Games, FIBA World Cup, at FIBA Asia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page