Sakay ang 100 pasahero | EROPLANO NASUNOG
- Jersey Sanchez
- Mar 21, 2019
- 1 min read
NASUNOG ang eroplano at masuwerteng nakaligtas ang mahigit 100 pasahero nito sa Mehrabad Airport sa Tehran, Iran.
Base sa impormasyon, nagmula ang apoy sa landing gear ng eroplano habang ito ay papalapag sa paliparan.
Ang Fokker 100 ay mula sa Iran Air kung saan ito ay mula sa Iranian Island patungo sa Gulf Capital.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad tungkol sa sanhi ng nasabing insidente.





Comments