PTH Year 4, naglibot sa Tagbilaran City, Bohol!
- Thea Janica Teh
- Mar 21, 2019
- 2 min read

Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Mula sa 50,000 nominations, nationwide sa unang tatlong taon ng Pinoy Tsuper Hero (PTH) ay matagumpay nilang ibinahagi ang kanilang mga adbokasiya, disiplina at maging inspirasyon sa iba at ngayong 2019, patuloy ang pag-ariba ng mga Tsuper Hero!
Dahil sa patuloy na pag-unlad ng programang ito, layunin nila ngayong taon na mas lalo itong palawakin at hindi lang ang mga driver kundi pati na rin ang mga community leader ang makilala sa buong bansa.
Ibinahagi ni Phoenix Petroleum Philippines Assistant Vice-President for Brand & Marketing Celina Matias na bukod sa pagbibigay ng livelihood opportunities ay sisikapin din nilang makapagbigay ng employment opportunities sa mga driver.
Kaya naman, binisita ng Pinoy Tsuper Hero ang Tagbilaran City, Bohol para makahanap ng mga gustong sumali. Ang bawat aplikante ay magpapasa ng kanilang application form. 30 drivers ang mapipili base sa kanilang rank, interviews at trainings at mag-uuwi agad ng tig-Php15, 000 cash. Mula sa 30, 10 ang papalaring finalists na magre-represent ng kanilang proposal project base sa kanilang natutunan sa mga training at mag-uuwi ng additional Php30,000 cash at Php15,000 worth of Phoenix fuel and lubricant products at Php250,000 worth of family accident insurance for 1 year.
Ang papalaring maging Tsuper Hero ay mag-uuwi ng Php100,000 cash, brand new vehicle, Php50,000 worth of Phoenix fuel at lubricant products at Php1 million worth of family accident insurance for 1 year!
Sabi ni ABS-CBN Lingkod Kapamilya Managing Director Susan Afan, ito na ang simula sa pagbabago sa kalsada, ang madidisiplinang driver at may magandang adhikain sa kanilang mga pasahero.
Bukod sa Tagbilaran City, Bohol, iikot din ang Pinoy Tsuper Hero Year 4 sa Mindoro (Mar. 18-19); Tuguegarao City (April 1-2); Ilocos Sur (April 4-5); Roxas City (April 25-26); Grab sa Libis, QC (May 4); General Santos City (May 23-24); Cagayan de Oro City (May 30-31); Zamboanga City (June 6-7) at Sorsogon (June 13-14).
Para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook Page sa www.facebook.com/PinoyTsuperHero.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments