Para magkaroon kayo ng abs at hindi ng “tabs”, mga besh! 5 WORKOUTS PARA MAPALIIT ANG TIYAN, ALAMIN!
- Donna Thea Topacio
- Mar 21, 2019
- 2 min read
No Problem

ONE piece o two piece? Kahit ano riyan, mga besh, tiyak na babakat ang mala-pakwan ninyong tiyan kung hindi kayo magwo-workout ngayong bakasyon. ‘Yung tipong maganda nga ‘yung swimsuit na nabili ninyo, pero kapag isinuot na ninyo, eh, waley na! ‘Yun lang!
But, don’t worry dahil hindi pa huli ang lahat, alamin natin ang 5 workouts para mapaliit natin ang ating tiyan:
1. PLANKS. Napakadali lang nitong gawin, mga besh! Para rin itong push-ups, pero hindi na ninyo kailangan pang galawin ang inyong mga kamay, in short, stay-put lang kayo sa pagkakadapa hanggang sa ma-build ang inyong core o abs. Wow, basic!
2. SIT UPS. Alam na natin itong lahat, mukhang madali sa umpisa, pero besh, kailangan ninyong mag-focus para ma-achieve ang inaasam ninyong flat tummy. He-he-he!
3. RUSSIAN TWIST. Tulad ng sit ups, dapat kayong umupo sa lapag kung gagawin ninyo ang workout na ito kung saan ibe-bend ninyo ang inyong mga tuhod at saka kayo magtu-twist. Dagdag pa rito, maaari kayong gumamit ng props tulad ng bola o kaya ay dumbells.
4. CRUNCHES. Napakalaki ng maitutulong ng crunches sa pagkakaroon ng flat na tiyan dahil kahit nasaan ka, eh, kering-keri mo itong gawin basta malakas ang loob mo, besh!
5. LEG RAISED. Kung nahihirapan ka namang gamitin ang iyong balikat, puwede rin ninyong gamitin ang inyong legs kung saan ito ang itataas ninyo para ma-build ang inyong core. Sa una, mukha itong joke, pero kapag ipinagpatuloy ninyo, tiyak na goodbye bilbil na talaga kayo. Oh, ‘di ba, bongga?
Oh, ayan, mga besh, hindi pa huli ang lahat para magkaroon kayo ng flat tummy ngayong bakasyon. Mag-hoard na kayo ng mga swimsuit dahil for sure, magagamit ninyo ito nang bonggang-bongga!
Gets mo?





Comments