Eh, di wow! GERALD, 4 ANG GUSTONG MAGING ANAK KAY BEA

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

PINAKILIG ni Gerald Anderson ang dalawang hosts ng morning talk show na Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros noong nagkuwento ang aktor tungkol sa kanyang lovelife at girlfriend na si Bea Alonzo nang mag-guest siya noong Lunes (March 18).
Inilibot ng aktor ang mga hosts sa kanyang bagong tayong gym sa Quezon City habang ikinukuwento ang kanyang love life.
Ayon kay Gerald, hindi siya madaling karelasyon dahil marami siyang ibang pinagkakaabalahan.
Aniya, “Hindi ako madaling… mahirap akong partner din, kasi ang dami kong ginagawa. Ang dami kong gustong marating. Hindi ‘yan madali kapag may relationship ka.”
Sa kabila ng pagiging busy sa iba’t ibang bagay, ipinahayag ni Gerald na buung-buo pa rin ang nakukuha niyang suporta mula sa nobyang si Bea.
“‘Yung support na ibinibigay niya sa akin, walang kapalit, eh. ‘Yung ibang mga na-achieve ko, hindi ko rin magagawa kung hindi rin dahil sa kanya,” ang naging pahayag ni Gerald.
Sa naturang guesting ni Gerald sa Magandang Buhay, ibinulgar din niyang apat ang gusto niyang maging anak kay Bea.
Sa ngayon, bukod sa pagiging busy sa kanyang showbiz career, buhay-pag-ibig at pagba-basketball, ang pinagkakaabalahan ng aktor ay ang kanyang bagong tayong gym sa Quezon City.





Comments