top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Buking na ng mga kaibigan… MELAI AT JASON, WAR NA NAMAN, KAHIT MAGKASAMA SA PARTY, DEDMAHAN, HIWALA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 21, 2019
1 min read

BALITANG-BALITA na may malaking problema na naman ang marriage nina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Ilang malalapit na kaibigan ang nakakahalata na nito dahil kahit na magkasama raw sa isang event sina Melai at Jason ay hindi nag-uusap at nagpa­pansinan, at kani-kanya rin sila ng sasakyan.

Magaling lang magdala ng problema si Melai dahil hindi nahahalata sa prog­ramang Magandang Bu­hay na may mabigat siyang family problem na dinadala. Makulit pa rin siya at panay ang patawa kapag nagho-host ng Magandang Bu­hay kasama sina Karla Estrada at Jolina Mag­dangal.

Hindi na rin bago sa kanilang circle of friends ang away-bating sitwasyon ng mag-asawang Melai at Jason. Nakikita naman kasi nilang nagka­kabati at naaayos din ng dalawa ang kanilang mga internal problems bilang mag-asawa.

Tanong naman ng marami, ano nga ba ang tunay na ugat ng nangyayari ngayon sa relasyon nina Melai at Jason? May professional rivalry ba sa mag-asawa? Mapaninindigan ba ni Melai na tuluyan nang i-let go si Jason dahil nawala na ang pagma­mahal at respeto niya sa mister?

Mas magiging masaya ba si Melai na tagum­pay nga ang career niya at maraming pera pero wala naman ang padre de pamilya sa piling nila ng mga anak? ‘Yan ang dapat timbangin ni Melai.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page