top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

ACES ‘DI NAKURYENTE

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 21, 2019
2 min read

TINULDUKAN ng Alaska Aces ang kanilang three-losing streak matapos kalusin ang Meralco Bolts, 92-77 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Tumikada si Jeron Teng ng 16 points upang tulungan ang Aces na ilista ang 4-5 karta. Maagang nagparamdam ng lakas ang Alaska matapos kapitan ang seven-point lead, 45-38 sa unang dala­wang periods.

Hindi nagpa­ba­ya ang Aces sa third canto, lumobo pa sa 12 ang kanilang lamang, 69-57 papasok ng fourth period. Samantala, naniniwala si coach Yeng Guiao sa milagro kung saan ito ang kailangan ng Team Pilipinas sa sasaba­kang FIBA World Cup.

Lumanding sa Group D, kasama ng Pilipinas ang mga European powers Serbia at Italy, kasama ang African champion Angola. “The good thing about me is I believe in miracles, naniniwala ako na puwedeng mag-milagro,” saad ni Guiao.

“Kailangan ka rin maghanda para mangyari yung milagro. So we need to prepare for us to be able to do that.”

Tumapos ng runner-up ang Serbia sa USA sa 2014 FIBA World Cup sa Spain, sasandalan nila ang kanilang NBA players na sina Nikola Jokic, Boban Marjanovic, Bogdan Bogdanovic at Nemanja Bjelica.

Kasalukuyang pang No. 4 ang Serbia sa world habang ang Italy ang pang-no. 13 sa FIBA rankings, may ipinag­mamalaki rin silang NBA stars na sina Danilo Galinari at Marco Belleneli. “If those guys are going to play, mahihirapan talaga tayo,” wika ni Guiao.

“I’m not going to say that this is the ‘Group of Death.’ Sabi ko nga overwhelming underdogs tayo. Maybe this is the ‘Group of Near-Death.’ Nandoon lang sa gilid-gilid,”

At batay dito, ang unang makakatunggali ng Gilas Pilipinas sa kanilang grupo ay ang koponan ng bansang Italy sa pagbubukas ng torneo sa Agosto 31.

Idaraos ang mga laro ng kinabibi­langang grupo ng Team Philippines na Group D sa Foshan International Sports and Cultural Center sa Fo­shan, China.

Ang susunod nilang katunggaliang world No. 4 Serbia, na tumapos na runner-up sa nagkampeong USA sa nakaraang edisyon ng World Cup sa Setyembre 2.

Base sa schedule, sinabi ni Guiao na wala silang maa­aring maging rason upang hindi paghandaan ng husto ang Italian squad na inaasa­hang pangungunahan nina NBA veterans Danilo Galli­nari at Marco Belinelli. (ATD/VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page