2 tulak tiklo sa buy-bust
SOUTHERN LEYTE—Dalawang drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Garrido, San Juan sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Mico Mikata at Jundee Pantolana, kapwa residente ng Bgy. Santo Niño, Poblacion, sa nasabing bayan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 12 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na sina Mikata at Pantolana na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments