top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

RARAMBOL SA LAST QUARTERFINAL SEAT ANG ACES, BOLTS, HOTSHOTS AT PIER

  • Clyde Mariano/ATD
  • Mar 20, 2019
  • 2 min read

ALASKA Aces, Meralco Bolts, Magnolia Hotshots at North Port Batang Pier, sila ang apat sa pitong koponan na mag-aagawan sa huling apat na quarterfinals na maghaharap ngayon at lahat ay determinadong manalo para lumakas ang tsansang makapasok sa susunod na round sa PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Unang magsasalpukan ang Aces at Bolts ng 4:30 p.m. at maglalaban ang reigning Governor’s Cup Champion Hotshots at Batang Pier ng 7p.m. at inaasahan na magpapatayan ang apat sa labanan ng survival of the fittest kung saan magtatagi­san sina coach Alex Comp­ton, Norman Black, Pido Jarencio at Chito Victolero sa “battle of the brain” katuwang ang kanilang mga assistant coach.

Taglay ng Aces ang karta­dang 3-4, at hawak ng Magnolia Hotshots at North Port Batang Pier ang record 3-5, kasosyo ang NLEX Road Warriors at ang Bolts na may 3-6 card. Ang apat na magka­tunggali ay natalo sa huli nilang laro at pipiliting ma­nalo para lumakas ang tsansa sa quarterfinals.

Natalo ang Aces sa Talk ‘N Text, ang Bolts ay yumu­ko sa Rain or Shine Elasto Painters, habang ang Pier ay nabigo sa defending champion San Miguel Beer at ang Hotshots ay sumad­sad sa sister team Barangay Gine­bra para makahakbang ang Kings sa isa pang panalo bago kunin ang fifth quarter­final seat sa kartadang 5-3. Ang apat na koponan na league-leading Phoenix, ROS, SMB at TNT ay umabante na sa quarterfinals at ang apat na natitirang slots ay pinag-agawan pa.

Pangungunahan ang opensiba ng Aces nina Chris Banchero, Jeron Teng, Simon Enciso, Carl Bryan Crux, Chris Exciminiano, Davon Potts at prize rookie Jesper Ayaay habang sina Sonny Thoss, Noy Baclao at Jake Pascual ang mama­mahala sa low post. Tatapa­tan nina Chris Newsome, Cliff Hodge, Ni­co Salva, Baser Amer, Travis Jackson, John Pinto at Antonio Fermin Caram, Reynel Hug­natan, Rommel Cana­leta at Bryan Faundo ang pakikipagbalyahan kina Thoss, Baclao at Pascual sa low post.

Magiging exciting sa fans ang salpukan ng Hotshots at Pier na lalagyan ng kulay sa personal na duwelo nina Pier Ace Gunner Stanley Pringle kontra Jio Jalalon at Mark Andy Barroca vs. Sean Anthony at Paul Lee laban kay Robert Bolick bukod sa banggaan ng mga bigmen na sina Bradwyn Guinto at Rafi Reavis, Joseph Angelo Ga­bayni laban naman kay Ian Sangalang.

Matatapos ang tatlong buwang elimi­nasyon sa Abril 3 tampok ang laro ng Road Warriors vs. Hot­shots at Pier vs. Gins.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page