Puso ko, pansinin mo ni: Ram


Matagal na kitang gusto, ang puso ko ay sobrang saya sa piling mo.
Hindi ko alam kung paano ko aaminin sa iyo ito dahil ayaw kong layuan mo ako.
Hanggang kailan ako magtitiis na pigilin ang puso
kong nasasabik?
Mahalin mo sana ako kahit kaunti lamang dahil handa kong ialay ang aking buhay.
Marahil, nakukulitan ka na, pero okay lang dahil ang mahalaga,
maiparamdam ko sa iyo kung gaano ka kahalaga.
Walang anu-ano, walang pero, pero mula noon hanggang
ngayon, ikaw lang ang iibigin ko.
Maghihintay na mahalin mo rin ako
Magdarasal sa Maykapal na ako ang piliin mo.
Hihintayin ko ang muling pagbabalik mo hanggang sa
ang puso ko ay mapansin mo.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments