Pag-IBIG Fund, record-breaking noong 2018
Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Record-breaking noong isang taon ang paglabas ng Pag-IBIG Fund ng halos Php46.96 bilyon sa multi-purpose loan o MPL dahil ito ang pinakamataas na ini-release sa loob lamang ng isang taon. Ito ay 4% higher kung ikukumpara noong 2017.
Ang Php 46.96 bilyong ito ay naipagkaloob sa halos 2,268,715 miyembro, mas mataas ng 11% noong 2017. Ang 2018 ang best performance ng Pag-IBIG Fund. Nagsimulang tumaas ang bilang ng borrowers ng MPL noong 2016 at naging steady ito hanggang ngayon. Sisiguraduhin ng Pag-IBIG Fund na mas marami pa ngayong 2019 ang matulungan sa programang ito.
Bukod dito, naglabas din ng halos Php 2.28 bilyon ang Pag-IBIG Fund para naman sa calamity loan (CL) para sa 160,203 miyembro sa halos 49.23 bilyon ang total na inilabas ng Pag-IBIG Fund sa ilalim ng MPL at CL noong 2018.
Ibinahagi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na kahit nagbago ang sistema noong 2018 ay hindi nito naapektuhan ang paglaki ng natulungan ng MPL na umabot sa halos 2.3 milyong members. Inaasahan nitong mas lalaki ang bilang ng mga miyembrong makakukuha ng MPL. “Ang pangangailangan ng bawat miyembro ay ating tinutugunan ng mahusay at tapat na serbisyo mula sa puso”, saad ni Moti.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments