top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Negosyante nilikida ng riding-in-tandem

Pabs Hernandez III
Mar 20, 2019
1 min read

ABRA—Isang negosyante ang napatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Tayum sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Rodolfo Belleza, nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na habang nagtitinda ng lechon si Belleza ay sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page