top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malinaw ayon sa palad... BEBOT NA NAKATAKDANG MAKASUNDO ANG BIYENAN KUNG SAKALING MAKAPAG-A-ABROAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 20, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Pinaaalis na kami sa bahay na inuupahan na­min dahil limang buwan na kaming hindi naka­babayad. Sabi ng mister ko, babalik na lang daw kami sa nanay niya o sa biyenan kong masungit na noon ay nakasama na rin namin sa bahay, pero dahil hindi ko makasundo ang biyenan ko ay nangu­pa­han na lang kami.

  2. Sa balak na ito ng mister ko na bu­ma­lik kami sa mga biye­nan ko ay tutol na tu­tol ang kalooban ko, pero wala akong ma­ga­­gawa dahil hindi na ta­laga kaya ng bud­get namin ang mangu­pa­han.

  3. Nag-a-apply ako sa abroad ngayon at sana bago kami lu­mipat sa mga biyenan ko ay makaalis na ako dahil sa totoo lang, may phobia na ako sa kanya dahil na­pakasungit talaga niya sa akin.

  4. Ano ang nakikita ninyo sa guhit ng aking mga palad, makapag-a-abroad na kaya ako nga­yong taong at may pag-asa pa kayang umangat ang kabuhayan namin? Cons­truction worker ang mis­ter ko habang ako naman ay under graduate sa col­lege bilang guro at naka­pag-asawa nang biglaan noong mabuntis ako ng wala sa panahon.

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansing sadyang lumawak at nagka­sanga nang mahabang Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow a.) na ang sangang ito sa Life Line ay tinatawag ngang Travel Line (Dra­wing A. at B. t-t arrow b.) na makikita sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ito ay malinaw na tanda na sa malapit na hina­harap ay matutupad ang iyong inaasam-asam na ma­kapangibang-bansa. Gayun­man, hindi naman aabot ang nasabing pag-a-abroad upang hindi kayo magkita ng iyong biyenan dahil humigit-ku­mulang, ayon sa iyong Tra­vel Calendar, oo nga at nga­yong taon ka rin makapag-a-abroad, maaaring sa bu­wan pa ng Hunyo o kaya ay Hulyo, mauuna munang lumipat kayo sa bahay ng iyong mga biyenan bago ka makapangibang-bansa.

  3. Ibig sabihin, obligado kang makisama at magbait-baitan muna habang naka­tira kayo sa biyenan mo upang hindi kayo mag­ka­samaan ng loob. Samantala, isipin at isaalang-alang mong kung sa Hunyo o Hulyo ka na nga makaaalis patu­ngong abroad, humigit-ku­mulang tatlo o apat na bu­wan ka na lang namang mag­titiis sa hindi mo maka­sundong bi­yenan mo at si­yempre, pag­lipas ng na­sa­bing panahon dahil mabilis namang lumi­lipas ang bawat araw nga­yon, ma­wawala na rin sa paningin mo ang iyong bi­yenan sa sandaling naka­pangi­bang-bansa ka na ng tuluyan.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, An­gelou, tulad ng nasabi na ngayong 2019 sa buwan ng Hunyo o kaya ay Hulyo, may mabunga at ma­biya­yang pangingibang-bansang itatala sa iyong ka­ranasan at sa iyong pagba­balik galing abroad, tiyak ang magaga­nap dahil ma­pera ka na, mag­kaka­sundo na kayo ng biyenan mo at magiging ma­bait na siya sa iyo dahil tulad ng ina­asahan, makatu­tulong ka na kahit papaano sa ka­nila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page