Lalo na ngayong medyo delikado na, besh! MGA BAGAY NA DAPAT IKONSIDERA BAGO MAG-POST SA SOCIAL MEDIA
- Jersey Sanchez
- Mar 20, 2019
- 2 min read
No Problem

‘IKA nga nila, ‘think before you click’, pero, minsan, sa sobrang atat nating mag-share ng bagong pangyayari sa buhay o pictures natin, basta-basta na lang tayong nagpo-post nang walang ikinokonsiderang mga bagay. Upang maiwasan ito, narito ang mga bagay na dapat nating ikonsidera bago tuluyang mag-post sa social media:
1. IS IT A GOOD PHOTO? Sa panahon ngayon, maraming gumagamit ng social media para gumanda ang mood nila. Kaya bago ka mag-post, besh, mabuting ikonsidera mo muna ang pagkakaroon ng positibong impluwensiya nito sa sinumang makakikita ng post mo. Okie?
2. COULD IT GET SOMEONE IN TROUBLE? Sabagay na ito, kailangan mong mag-isip nang mabuti dahil ang paggamit ng social media ay para manatiling konektado sa ating mga kaibigan at hindi para makasira ng pagkakaibigan.
3. IS IT GOING TO CAUSE DRAMA? Kung oo, besh, mabuting huwag mo nang i-post. Gayundin, kung mayroon kang sentimyento o gustong iparating sa tao, mabuting sabihin mo na lang ito sa kanya nang personal. Sa panahon ngayon, marami ang nag-a-assume na tungkol sa kanila ang post kahit hindi naman. Kaya para maiwasan natin ang misinterpretation at miscommunication, i-PM mo na agad. He-he-he!
4. AM I AWARE THAT ANYONE CAN SHARE IT? Tandaan, ang social media ay malaking platform na mayroong malawak na variety ng audience. Kaya besh, anumang ipo-post mo ay maaaring ma-download, copy at re-upload ng ibang user kung saan mas marami ang posibleng makakita nito.
5. WOULD I BE OKAY WITH MY GRANDMA SEEING IT? "Makukurot kaya ako ni lola sa singit kapag nakita niya ang post na ito?" Hmmm… kung sa tingin mo, eh, hindi matutuwa ang inyong lola ‘pag nakita niya ang partikular na post mo, siguradong may ibang social media user diyan ang may parehong pananaw.
Ikaw, besh, ikino-consider mo ba ang mga bagay na ito bago ka mag-post? Hmmm… kung hindi, it’s time para maging wais tayo sa paggamit ng social media.
Gets mo?





Comments