top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

Kaya raw pinakasalan nang 3 beses pa… NINA, BUHAY-REYNA, NAKAHIGA SA PERA DAHIL SA MAY-EDAD NA MIST

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 20, 2019
  • 3 min read

SA paanyaya ng dating PBB hou­se­mate na si Nina Jose na nga­yo’y Mrs. Nina Jose-Quiam­bao na, ang first lady ng Bayambang, Pangasinan, napag-alaman naming siya ang katuwang ng kanyang asawang si Bayambang Mayor Cezar Quiambao sa pag-i-implement ng ilang cultural activities sa kanilang lungsod na mag-uumpisa sa Abril 1 hanggang 8.

Una rito, nabanggit ni Nina na susu­bukan ng kanilang munisipyo na targetin ang Guinness Book of World Re­cords bilang may pinakamataas na bamboo scul­pture ni St. Vincent Ferrer, ang kani­lang patron saint.

“That’s why we’re inviting local and foreign tourist to come and join in the celebration of our (405th) town fiesta,” aniya kasunod ang kuwentong sa St. Vincent Ferrer Parish sila ikinasal ng alkalde.

Third naming kasal dito sa St. Vincent Ferrer Church. Una, sa L.A at second sa Huwes. Kaya’t memorable sa amin ang aming patron saint,” sey niya sa amin.

Sa takdang linggo ng kanilang pag­diriwang, may pa-concert sina Nina na dadaluhan nina Vice Ganda, Kamikazee at December Avenue as guest performers.

Pero ang kanyang pet project na Binibining Bayambang beauty pageant ay sa April 6 gaganapin with Bianca Gon­zalez and Derek Ramsay as guests plus Dominic Roque as one of the judges.

“Since my husband (Mayor Cezar) took office in 2016, we’ve been very hands-on when it comes to fiesta preparations because we believe that it can be one of the best income generators for Bayambang. So, it’s not just celebra­ting but also providing better life for all Bayambangueños,” lahad niya sa amin.

Sa aming mga personal na tanong sa dating aktres, nalaman naming iisa pa lang ang kanilang anak ni Mayor Quiambao.

Binabalak pa rin daw nilang masun­dan ang kanilang unico hijo na si Anton.

“Of course, the more, the merrier,” sey ni Nina.

Tungkol naman sa kanyang showbiz career, nalaman naming may nag-o-offer pa rin sa kanyang magbalik-artista.

“Ayaw ng asawa ko,” mariin niyang sagot.

Hindi naman daw niya kailangang magtrabaho pa dahil literal na nakahiga sa salapi si Nina.

When asked kung anu-ano ang mga businesses ng kanyang asawa, “Si Mayor at ‘yung anak niyang si Toni (sa previous marriage) ang nag­papatakbo ng Stradcom,” isang kum­panyang kumokontrata ng mga skyways at tulay.

Dagdag pa sa kanilang negosyo ang LARS or Land Registration.

“We also have bamboo business. He also has real estate and leasing business, the agricultural infrastructure leasing business,” sey pa niya.

Pinalagan ni Nina ang sina­sa­bi ng iba na kaya pumatol siya sa mas may-edad sa kanya at ini­wan ang showbiz career sa ABS-CBN ay dahil “nasilaw” siya sa multi-mil­­yong yaman ng asawa.

Depensa ni Nina, “Hindi po ako nai-involve (o nakiki­a­lam) sa mga busines­ses ng aking asa­wa. Actually, when I met him, I really didn’t know who he was. I didn’t know that he was the one who also made the skyway. I had no idea who he was,” paliwanag pa ni Nina sa amin.

Aniya pa, noong ipakilala siya ng ilang common friends kay Mayor Quiambao, hindi pa ito mayor ng Bayambang.

“I just thought that he was just running for mayor (Bayambang), and later on I found out na medyo mabigat pala siyang tao. ‘Di ko po talaga alam. Actually, up to now, nagugulat na lang ako kung ano siyang tao.”

Sa dami ng kanyang salapi, plano raw ni Nina na mag-produce ng pelikula.

“Kung may magandang project na may values at kakaiba, I will grab it. Actually, I’ve been searching for a story­line para matuloy ang pagpo-produce, para naman maaliw-aliw ako.”

Tinanong din namin si Nina kung may balak din siyang maging public servant gaya ng kanyang asawa?

“Sa totoo lang, mas gusto kong mag-focus sa pagiging housewife. Ma­gulo ang pulitika, baka mawin­dang pa ang mundo ko,” biro ng ‘di pa rin ku­mukupas na dating PBB house­mate.

Pahabol pa niya, “Sometimes po, nami-miss ko ang showbiz pero I’m very contented with my life right now, at ayaw pa po ng asawa ko na mag-showbiz ako ulit. Pero, pagpo-produce, behind-the-scene, gusto ko po. Maybe one day, ‘yun ang tahakin ko.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page