top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kahit bidang aktor na mismo ang nagyaya sa kanya… BAYANI, PAULIT-ULIT NA TINANGGIHAN ANG SERYE NI C

Beth Gelena
Mar 20, 2019
1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

MARAMI ang nagtatanong kung bakit hindi raw nasasama ang komedyanteng si Bayani Agbayani sa number one Primetime Bida serye ng Kapamilya Network na Ang Probinsyano. Hindi raw ba siya in-offer-an?

Ayon sa komedyanteng aktor sa Tonight with Boy Abunda, kung tutu­usin nga raw ay ilang beses siyang nakatanggap ng tawag mula sa staff ng AP.

Dapat pa nga raw, ang magiging role niya ay bilang ama ni Jessy Mendiola. Tumanggi umano siya dahil may teleserye pa siyang ginagawa, ang Sana Dalawa ang Puso na pinagbidahan nina Jodi Santamaria at Robin Padilla.

Eksplanasyon niya, oras ang dahilan kaya nag-beg-off siya. Ilang linggo ang nakalipas ay muli raw siyang binalikan ng AP para sa isang napaka­importanteng role, pero hindi pa rin daw natatapos ang SDAP.

Katunayan, sinasabihan daw siya ng kanyang kapwa artistang si Coco Martin ng “Ang Probinsyano, tinatanggihan mo?’ Coco Martin! Alam mo kung gaano kabait si Coco Martin?”

Kuwento pa ni Bayani, nang nagkita sila sa CR ni Coco na nagbibihis, sinabihan umano siya, “Kuya Yani, sama ka sa Ang Probinsyano. After mga two weeks, tina­wagan na ako. Kaya lang, nasabay ‘yung Sana Dalawa ang Puso na daily din.

“Eh, ang taping namin sa Sana Dalawa ang Puso, Mondays, Wednesdays, Fridays. Ang taping po ng Ang Probinsyano ay M-W-F din. Hindi lang po nagkakatagpo…”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page