Huli sa akto sa comedy bar, cager sinampal… VICE, BINIGYAN NG KOTSE SI CALVIN, BUKING NA MAY KAHATIN
- BULGAR

- Mar 20, 2019
- 3 min read

ISANG kaibigang taga-mundo ng sports na matagal naming hindi nakatsikahan ang nakahuntahan namin kahapon. Siyempre, nagkakumustahan kung ano’ng latest sa mga mundong ginagalawan namin, at naloka kami sa mga juicy chika niya na bagama’t may pagka-throwback na, eh, sa totoo lang, ngayon lang namin narinig at nalaman, ha?
Eto nga, ang naging sentro ng usapan namin ay si Vice Ganda dahil ‘di ba’t nali-link ngayon ang Unkabogable Star kay Kuya Escort ng It’s Showtime na si Ion Perez, bagama’t sa episode ng Gandang Gabi Vice nu’ng Linggo ay umamin si Vice na may dyowa siya for four months na?
Ang ‘di namin alam, mas marami palang alam na kuwento ang kausap namin tungkol kay Vice dahil ‘di nga ba, minsan na ring na-link ang gay TV host sa Phoenix cager na si Calvin Abueva?
Bungad niya sa amin, “Dati nang natsitsismis ‘yang sina Vice at Calvin, nasa San Beda team pa lang noon si Calvin at ‘di pa masyadong sikat si Vice. Na-blind item na nga sila noon na binigyan daw ni Vice si Calvin ng Vios, pero binawi rin.”
Tanong namin, “Ha? Bakit Vios lang? Parang ang cheap naman, eh, ang yaman ni Vice? Saka, bakit binawi?”
Mataray na sagot nito, “Eh, ‘di ba nga, sabi ko, ‘di pa masyadong sikat si Vice noon? Baka ‘yun pa lang ang afford niya.”
At ang dahilan daw kaya binawi ni Vice ang Vios kay Calvin ay dahil nagselos ito sa isa pang bading na nagpa-cute sa cager nang minsang nasa comedy bar ito.
Patuloy niyang kuwento, “Eto naman daw ang kuwento d’yan. Nandu’n sina Calvin sa comedy bar, ‘di alam na darating si Vice. Saktong pagpasok ni Vice, kakanta ang baklesh (stand-up comedian na pinagselosan nga ni Vice) at ang sabi, ‘Ang kantang ito ay iniaalay ko sa aking Papa Calvin na nasa harapan,’ at sabay flying kiss at sabi pa, ‘Thank you, Papa, for the love.’
“Ayun, sinampal daw ni Vice si Calvin at du’n sila tuluyang nagkagalit! Haha!” chika pa ng aming friend na tawa nang tawa.
Paglilinaw pa niya, nangyari ito bago pa na-link si Vice kay Terrence Romeo na isa ring PBA player.
At dahil matalas ang memory ng aming kausap, aba, may dagdag pa itong kuwento na naging usap-usapan nga rin daw noon na bukod sa Vios na ibinigay pero binawi nga ni Vice, ipinasyal din daw ng gay comedian sa Hong Kong ang pamilya ni Calvin (na that time raw ay binata pa).
Actually, last day na lang daw humabol sa HK si Vice at nag-overnight lang ito, nakahiwalay din ng flight at hotel, kaya wala raw mga photos na lumabas that time na kasama ng komedyante ang pamilya ni Calvin.
So, fast forward. Last quarter of 2018, muli ngang na-link sina Vice at Calvin dahil sa closeness nila at pagsasama pa sa Boracay.
Ang siste, mala-Angelica Panganiban-Carlo Aquino rin pala ang ganap nina Vice at Calvin dahil ‘yung ‘second chance’ na sana nila, nauwi na naman daw sa pagkakalayo dahil mas pinili nga ni Calvin na balikan ang nakahiwalay na misis nito.
Ngayon, palaisipan sa lahat kung sino ang bagong dyowa ni Vice na sinabi niyang 4 months na niyang karelasyon.
Well, sana lang, this is it na talaga dahil deserve naman ni Vice Ganda na mahalin at maging masaya, lalo’t napakaraming buhay ang napapasaya niya sa araw-araw niyang pagiging bahagi ng It’s Showtime.





Comments