1.5m videos ng pag-atake sa mosque, nabura na
UMABOT sa 1.5 million videos na may kaugnayan sa mosque attack sa Christchurch, New Zealand ang natanggal ng Facebook sa loob ng 24 oras.
Ayon sa social media giant, bukod sa 1.5 million deleted videos, 1.2 million videos ang kanilang nai-blocked matapos mai-upload.
Gayunman, lahat ng edited version ng naturang video ay tinanggal din kahit hindi nakikita ang ‘graphic content’ dito.
Unang binatikos ang Facebook matapos hindi matanggal agad ang live video ng pag-atake na kinunan ng suspek na si Brenton Harrs Tarrant, 28.





Comments