Tinaob sina Kathryn, AlDub, JaDine at LizQuen… DANIEL, BILYONARYO NA, RICHEST YOUNG CELEB
- Beth Gelena
- Mar 19, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

KUNG tutuusin, huwaran ang ilang young celebrities natin sa mga kabataan. Alam nila kung paano ilagay sa tama ang kanilang kinikitang pinaghihirapan mula sa pag-aartista, modeling o pag-eendorso ng mga produkto.
May inilabas ang Interest Corner sa kanilang YouTube Channel na Top 10 Richest Young Filipino Celebrities, na ibinahagi naman ng Trendscribe.
Ang nangunguna sa listahan ay ang anak ni Karla Estrada na si Daniel Padilla at ang pangalawa ay si Maine Mendoza.
Isang bukas na aklat ang buhay ng Kapamilya actor. Marami silang pinagdaanang pagsubok sa buhay ng kanyang ina at mga kapatid. Nang pumasok na si Daniel sa showbiz, sinuwerte siya at marunong humawak ng pinagkakakitaan niya ang inang si Karla. Ngayon, masasabing isa nang bilyonaryo si Daniel.
Narito ang listahan ng 10 Richest Young Celebrities of 2019.
1. Daniel Padilla — P1 B
2. Maine Mendoza — P580 M
3. Kathryn Bernardo — P500 M
4. Alden Richards — P346 M
5. Enrique Gil — P280 M
6. James Reid, P202 M
7. Julia Montes, P188 M
8. Nadine Lustre, P151 M
9. Liza Soberano, P120 M, at
10. Julia Barretto, P95 M





Comments