top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

That's life raw… HIRIT NI BAYANI SA MGA CO-STARS NA NALALAOS: TANGGAPIN N'YO NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 19, 2019
  • 1 min read

TULAD ng ibang artista, dumaan din ang Pansamantagal lead actor na si Bayani Agbayani sa puntong sumikat siya nang husto sa showbiz at paunti-unti ay nanamlay din ang showbiz career bago siya muling nakabawi nang magbalik-Kapamilya Network.

Paliwanag sa amin ng komedyante, bukod sa pag-aartista ay nag-production din muna siya kaya nakita niya ang pagbaba at pag-angat ng mga artista.

Natutunan ni Bayani na mag-ipon nang mag-ipon para ‘pag nawala ay may dudukutin ka sa pangangailangan mo at ng iyong pamilya at pinaghandaan niya ito.

Isang salita lang ang pinaniniwalaan ng komedyante na dapat matutunan ng mga tulad niyang artista na dumadaan sa estado ng pananamlay ng career at ito ay “acceptance” o “pagtanggap” na lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao, dapat ay tanggapin niya nang buung-buo.

Meanwhile, magbibida si Bayani sa isang romantic dramedy movie sa kauna-unahang pagkakataon, ang Pansamantagal kung saan makakapareha niya si Gelli de Belen.

Matapang, mapangahas at diretso ang tema ng pelikula kung saan ibang-ibang Gelli at Bayani ang mapapanood sa darating na March 20 sa mga sinehan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page