Pagkatapos ng masaker sa mosque | MGA RESIDENTE, NAG-PANIC-BUYING NG BARIL
TUMAAS ang bilang ng mga bumibili ng baril matapos ang madugong pag-atake sa mosque sa Christchurch sa New Zealand na kumitil sa buhay ng 50 katao.
Ayon sa ilang gun stores, maraming indibidwal ang nag-panic-buying ng semi-automatic na baril.
Gayunman, ayon kay Prime Minister Jacinda Ardern, pag-aaralang mabuti ng mga awtoridad ang pagtaas ng bilang ng mga bumili ng armas bago ipatupad sa bansa ang paghihigpit dito.
Matatandaang, lumabas sa imbestigasyon na mayroong limang semi-automatic na baril ang suspek na nabili noong 2017.





Comments