top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

LEMON DROP TITLE, NAGHARI SA 4-YEAR OLD ABOVE OPEN

  • Green Lantern
  • Mar 19, 2019
  • 2 min read

RENDA at LATIGO

ITINANGHAL na kampeon ang de bokang Lemon Drop Title sa katatapos na 2019 PHILRACOM “4 Year Old & Above Open Stake Race” na ginanap sa Metro Manila Turf Club, Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas nitong Linggo ng hapon.

Kasabay nito nabigo ang liyamadong couple entry na Cerveza Rosas at Son Also Rises makaraang hindi matimbang. Maganda ang naging laban ng nasabing karera makaraang kunin ang unahan ng Smokin’ Saturday habang nakasunod na kalahok ang Lakan.

Tinangkang agawin ang unahan ng Lakan kay Smokin’ Saturday ngunit dumating ang Lemon Drop Title at kinuha ang pangunguna sa karerang nabanggit. Sa huling 200 meter habang naghahabulan ay pumangalawa si Summer Romance at Salt & Pepper at Gomper Girl.

Tinanggap ang unang premyo na P300,000 ni R.G. Iñigo, at tinanggap ni Atty.Narciso Morales ang P112,500 bilang pumangalawang Summer Romance, tumanggap ng P62,500 si Hermie Esguerra na itinanghal na 3rd placer at P25,000 sa pumang-apat na Gomper Girl.

Ngayong gabi magaganap ang pitong karera kaug­nay ng Additional One Win in Group Races sa Santa Ana Park, Naic, Cavite. Unang maghaharap sa Race 1 ang Condition Race (19) kasabay ng pag-alagwa ng Winner Take All (WTA) at pinapaboran ang Amazing Cole kontra kay Break and Shine.

Sa Race 2, ipinapatok ang couple entry na Hot Dog at Hidden Moment na simula ng Pick 6 event habang sa Race 3, ipinapatok ang Mount Dulang Dulang na umpisa ng Pick 5 event.

Sa Condition Race (18), napipili ko na pamoste sa Pick 4 event sa Race 4 ang mananakbong Batang Arrastre, High Quality at Couple Entry na Richard at Dalagang Bukid, habang ang Race 5, pinapatok ang Couple Entry na Summer Style at Señor Lito habang ang Grey Area at Ten Ten Forty ay tsamba lang.

Magsisilbing paratingan sa Race 6 ang Gunga Din, Pagbabago at Congregation habang sa Race 7 ay napi­pisil ko ang Dominatore, Stormy Marx at Tabing Ilog na kukumpleto sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Tip ni Mang Ding - Race 1-Amazing Cole (11) Break and Shine (2) Race 2- Entry No. 2 Misha (4) Race 3 -Mount Du­lang Dulang (3) Race 4 -Batang Arrastre (1) High Quality (2) Entry No.6 Race 5-Entry No. 8 Grey Area (3) Race 6- Gunga Din (1) Pagbabago (5) Congregation (5) Race 7- Dominatore (4) Stormy Marx (8)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page