top of page

Kahit mukha itong patapon na, lodi! ILANG PARTE NG PAGKAIN NA KERI PANG MAPAKINABANGAN, ALAMIN!

  • Jersey Sanchez
  • Mar 19, 2019
  • 2 min read

MARAMI sa atin ang idinediretso sa basurahan ang mga parte ng pagkain na sa tingin natin ay hindi na mapakikinabangan. But wait, mga mamsh, baka dehins na ninyo i-shoot agad sa basurahan ang ilan sa mga nakasanayan ninyong itapon kapag nalaman ninyo ang mga kering gawin nito. Narito ang 5 parte ng pagkain na madalas na itinatapon, ngunit, mayroon pa palang pakina­bang:

1. PUMPKIN FILLING AS FACE MASK. Dahil mayroong antioxidant na Vitamins A, C at E, exfoliating retinoic acid at zinc, perfect umano itong maging face mask. Para gawin ito, maghalo lamang ng 2 teaspoons ng pumpkin filling, ½ teaspoon ng gatas at ¼ teaspoon ng cinnamon. Ilagay ito sa mukha at ibabad nang 10 minuto at saka banlawan.

2. POTATO PEEL AS ANTI-AGING SECRET. Ayon sa mga eksperto, nakatutulong ito sa pagla-lighten ng dark undereyes. Ito ay dahil mayroong skin-lightening property na catecholase ang patatas. Upang gamitin ito, kumuha lamang ng ilang piraso ng balat at ilagay sa undereyes sa loob nang sampung minuto.

3. ONION SKIN AS ANTI-INFLAMMATORY AGENT. Bagama’t, itinatapon kaagad ang bahaging ito ng sibuyas, hindi umano alam ng karamihan ang health benefits na mayroon ito. Ayon sa mga eksperto, ang onion skin ay may nutrients tulad ng quercetin, plant pigment na nakape-prevent sa pagbabara ng arteries, nakapagpapababa ng blood sugar, gayundin ang inflammation. Upang gamitin ito, ihalo lamang ang onion skin sa sabaw habang iniluluto ang sabaw at stew. Gayundin, nakada­ragdag umano ito sa lasa ng sabaw.

4. ORANGE PEELS AS AN ANT REPELLANT. Sino ba naman ang may gusto ng langgam sa loob ng bahay? Ang balat ng orange ay isa umanong natural ant repellant dahil mayroon itong oil mula sa limonene. Gawin ang mixture sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang piraso ng balat sa blender at haluan ito ng tubig. Pagkatapos ay ipahid ito sa mga lugar na pinamumugaran ng mga langgam.

5. PEANUT SHELLS AS CAT LITTER. Sa mga mahihilig kumain ng mani riyan, huwag ninyong itapon ang balat! Ha-ha-ha! Ang balat ng mani ay puwedeng maging cat litter. Paano? Ibabad lamang ito sa tubig at lagyan ng biodegradable dish soap at kaunting baking soda. Gayundin, environmentally friendly ito dahil walang kemikal. Tipid tip, mga beshy!

Wow! For sure, dehins na ninyo itatapon kaagad ang mga bahaging ito ng mga pagkain dahil sa mga keri nitong gawin na siguradong makatutulong sa atin.

Huwag ninyong kalilimutang subukan ang mga ito, ha?

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page