BF pa lang 'yan, 'di pa asawa, ha? ANGEL, NAGPA-PARTY NA, MAY GOLF CART PANG PABERTDEY KAY
- BULGAR

- Mar 19, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

ISANG golf cart ang regalo ni Angel Locsin sa boyfriend niyang si Neil Arce sa katatapos lang nitong birthday.
Bumilib ang mga netizens kay Angel dahil bongga raw itong magregalo kahit BF-GF pa lang ang relasyon nila. Paano pa raw kung mag-asawa na ang dalawa, ano pa ang ireregalo ng aktres kay Neil?
Napa-comment tuloy si Neil ng, “Best birthday gift!” sabay post ng golf cart na magagamit niya sa kanyang paglalaro.
Bukod sa golf cart, si Angel din ang nag-organisa ng birthday party ni Neil.
Hindi lang alam kung ang birthday party o ang golf cart ang tinukoy ni Angel na “You deserve only the best. Happy Birthday to the sweetest person I know. Happy Birthday, my love!”
Dahil pala sa golf cart na birthday gift kay Neil, may mga nag-Google para malaman kung magkano ang bili ni Angel dito. Hahaha!
Also, waiting na ang mga netizens at ang mga fans ni Angel kung ano naman ang gift sa kanya ni Neil sa darating niyang birthday sa April 23.





Comments