top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Trabaho para sa mga Pinoy!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 18, 2019
  • 1 min read

"JAPAN, Japan sagot sa kahirapan.” Ito ang linya ng mga nakikipagsapalaran, partikular sa bansa ng mga Hapon.

Marami ang sinasabing umasenso nang mapadpad sa Japan at ngayon, panibagong pagkakataon ang binubuksan para sa mga Pinoy.

Maaari umanong makuha ng mga Pinoy ang 30 porsiyento sa kabuuang 350,000 trabaho para sa mga dayuhan sa Japan.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), katumbas ito ng 100,000 trabaho sa Japan.

Nakatakdang pirmahan ang memorandum of cooperation kaug­nay sa “specified skilled workers” sa Tokyo kasama ang Ministries of Justice, Foreign Affairs, Health, Labor and Welfare at National Police Agency ng naturang bansa.

Layon nitong makapagbukas ng mas maraming oportunidad sa mga Pinoy at makapagbigay ng proteksiyon sa mga manggagawang Pinoy sa Japan.

Samantala, ilan sa mga sektor na kailangan ng skilled workers ay sa health care, maintenance, food services, industrial machinery, electronics, food manufacturing, agriculture, hospitality, construction, shipbuilding, fisheries and aquaculture, parts and tooling at aviation.

Kaya ‘ika nga nila, “gora na sa Japan!”

Siyempre, wala pa ring hihigit sana kung may mga oportunidad sa ating sariling bayan.

Sino ba ang gustong malayo sa pamilya para kumita?

Kaya umaasa tayo na darating din ang panahon na wala nang Pinoy na magsasakripisyo at magtitiis na malayo para maitaguyod ang mga mahal sa buhay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page