PCSO, nagsalita na sa pag-iimbestiga tungkol sa korupsiyon
Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Maluwag na pinahintulutan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang desisyon ng Office of the President na mag-imbestiga sa pinaghihinalaang korupsiyon.
Binanggit ni PCSO Spokesperson Atty. Marissa Medrano na bukas ang PCSO sa kahit anong paraan ng pag-iimbestiga at hinihikayat ang mga opisyal at empleyado na maipasailalim sa imbestigasyon. Sinabi rin ng PCSO Governing Board na ang isasagawang imbestigasyon ay wala sa kung ano ang posisyon basta nakitaan ng ebidensiya sa pangungurakot, lalo na ng pondo ng mamamayan.
Bukod dito, ang pag-iimbestigang ito ay para malinis ang pangalan ng ahensiya at maihiwalay sa usaping korupsiyon. Sa kabila ng mga ganitong isyu, sinisigurado ng PCSO na ang programa sa pagbibigay ng medical related services sa mga Pilipino ay tuloy pa rin.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments