Pati kapwa artista, nagulat… LOVI, KABIT DAW NG PAMILYADONG CANADIAN-AMERICAN ACTOR, PIKTYUR KUMALAT
- BULGAR

- Mar 18, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

PATI celebrity friends ni Lovi Poe ay nagulat nang mag-post ang aktres ng picture nila ng Canadian-American actor na si Torrance Coombs na lumabas sa series na Reign. Ang tanong agad ay kung si Torrance ang bagong BF ni Lovi, na in fairness, nilinaw at itinanggi agad ng mga followers ng aktres.
Totoo namang married na si Torrance at friends lang sila ni Lovi. Naikuwento na ni Lovi na nagkita na sila ng foreign actor sa nauna niyang biyahe sa Los Angeles, kaya hindi ito ang una nilang pagkikita. Saka, alam ni Lovi na married na ang aktor kay 2011 Miss USA Alyssa Campanella.
May nagtanong din kay Lovi kung paano niya nakilala at naging friend si Torrance Coombs. Unfortunately, hindi pa sila sinasagot ng aktres.
In fairness kay Lovi, international celebrities ang mga nakikilala niya dahil bukod kay Torrance Coombs, na-meet na rin niya ang aktor na si Gavin Leatherwood, at British executive producer na si Montgomery Blencowe.
Sayang at hindi natuloy ang meeting nila ng favorite author niyang si Colleen Hoover.





Comments