Nakipag-bonding sa mga taga-palengke para ikampanya si Chiz… SIGAW NG MADLANG PIPOL: HEART, OA NA, S

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

Photo : @iamhearte
NAKAKATANGGAP na naman ng pambabatikos ang Kapuso actress na si Heart Evangelista dahil sa litratong ipinost niya sa kanyang Instagram account noong Biyernes (March 15) kung saan makikitang bumisita siya sa isang palengke sa Sorsogon para sa kampanya ng kanyang mister na si Chiz Escudero na kumakandidato bilang governor ng nabanggit na bayan.
Nilagyan ni Heart ang kanyang post ng caption na: “If you know me, you’d know that I love meeting new people. That’s why I enjoy tagging along to my husband’s campaign trips from time to time, because I get to go to different places and talk to different people – exchanging stories and sharing laughs with them. It’s always so nice that I get to do this again and again and again! #MahalKongSorsogon.”
Sinabi kasi ng mga netizens na halatang gimik lang daw ang ginagawa ng aktres at halatang “kaplastikan” lang ito para sa kampanya ni Chiz.
Napansin din ng mga netizens ang hindi akmang suot ni Heart noong naglibot sa lugar.
Sey ng basher, “Sobrang kaplastikan naman, Ms. Heart, ‘yung palengke scene mo. ‘Di makatotohanan ‘yung mga ganu’ng action mo! Ang OA lang... Walang sincerity, parang ‘Gimik lang!’”
Sinagot naman ito ni Heart at sinabing, “You may say what you want. I am only answerable to God. Life is too short my dear (if you only knew the battles we all face and how fast our time here on earth is). Do good and do everything from your heart. At the end of the day, I did my part... I served my purpose. Pray before you post.”
Natanong din si Heart kung may balak daw ba siyang pumasok sa pulitika at ayon sa aktres, hindi niya nakikita ang sarili bilang pulitiko.
Aniya, “I don’t think that’s my thing but I love going around our province even before. More so now ‘cause I would love to help more given a chance my husband wins as governor. I think it’s gonna be fun! I love it there.”





Comments