top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Masaker sa mosque naka-FB live | NEW ZEALAND PM, PINABUBURA ANG VIDEO

  • Jersey Sanchez
  • Mar 18, 2019
  • 1 min read

GUSTONG malaman ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern kung bakit pinahintulutan ng Facebook at iba pang social media platform ang livestream ng pag-atake sa dalawang mosque na ikinasawi ng 50 katao.

Bagama’t, hindi pa nakukuha ng lider ang sagot ng mga social media giant, nakikipag-unayan na umano sa kanila si Facebook Chief Operating Officer Sheryl Sandberg tungkol sa insidente.

Gayunman, naka-livestream sa Facebook ang madugong pag-atake ng gunman sa mosque na tumagal ng 17 minuto, gayundin na umabot ang video sa YouTube at Twitter.

Ayon pa sa lider, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matanggal sa internet ang naturang video.

Samantala, nakadepende pa rin sa social media platform ang pagtanggal ng naturang video footages.

Sa isang pahayag ni Mia Garlick ng Facebook New Zealand, maglalaan sila ng sapat na oras para matanggal ang ‘violating content’.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page