Mag-utol tiklo sa shabu
NEGROS ORIENTAL—Inaresto ng pulisya ang magkapatid na drug pushers nang makumpiskahan sila ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Palinpinon, Valencia sa lalawigang ito.
Kinilala ang magkapatid na suspek na sina Felarica at Fremone Cabellero, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, mahigit 200 gramo ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa pag-iingat ng magkapatid na drug pushers.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments