Laborer natagpuang patay
Pabs Hernandez III
Mar 18, 2019
1 min read
CAMARINES SUR—Isang laborer ang natagpuang patay, kamakalawa sa taniman ng mais sa Bgy. Siba-O, Calabanga sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Roger Castillo, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may mga tama ng bala sa nasabing lugar.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala ang suspek at mabatid ang motibo sa krimen.





Comments