42 todas sa baha
NASAWI ang 42 katao habang sugatan ang 21 iba pa dahil sa pagbaha sa eastern Papua Province, Indonesia.
Batay sa impormasyon, binaha ang bahagi ng Sentani na malapit sa provincial capital ng Jayapura dahil sa pag-ulan.
Ayon kay Purwo Nugroho, tagapagsalita ng National Disaster Agency, dose-dosenang kabahayan ang nasira ng pagbaha.
Gayunman, posible pa umanong tumaas ang bilang ng mga nasawi at pinsala habang patuloy pa ang search and rescue operations sa mga apektadong lugar.
Bagama’t, unti-unti nang humuhupa ang baha, patuloy pa rin ang panghihikayat ng mga opisyal na lumikas ang mga apektadong residente.





Comments