Vendor sugatan sa gunman
Pabs Hernandez III
Mar 17, 2019
1 min read
CEBU—Isang vendor ang sugatan nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Tabunok, Talisay sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Alex Montillano, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na habang nagtitinda si Montillano ng prutas ay bigla itong nilapitan ng suspek at agad pinagbabaril.
Kaagad dinala ng mga saksi si Montillano sa ospital, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.





Comments